Wednesday, April 29, 2009

Monday, April 20, 2009

Boracayus Addictus


A film by Migs Marfori and TJ Pascua - official entry for the 2009 Young Kidlat Competition at the Creative Guild Awards (March 5-8, 2009: Boracay, Philippines)

The brief: Create a 30-second film to convince people not to bring home Boracay sand as a souvenir, as this leads to beach erosion and other environmental problems.

Thursday, April 2, 2009

Tinamaan ng Kidlat!









Pumunta yung lahat ng creatives sa Boracay nung March 6-8 para sa Creative Guild Kidlat Awards. Ewan ko ba kung ano yun pero pinagkakaguluhan nilang lahat kaya siguro big deal nga siya. Iisa na nga lang yung bilin ko, uwian ako sana ng buhangin na sabi ng lahat ng tao ay kasing-pino ng Coffeemate pero 'di pa nila nagawa. Nauubos daw kasi yun. Wala kayong malilinis na pinggan bukas, mga hayop kayo.

Ang saya-saya pa naman nila tingnan dito sa mga picture, kaya siguro sila nakalimot. Ang dami-dami nga e, kaya namili na lang ako. 'Di pa kasi ako marunong maglagay ng marami, eto na lang muna.

Nanalo pa daw sila ng isang bronze at isang gold na trophy. Oo nga't masaya na nanalo kami, pero dagdag na naman yung dalawang yun sa mga maaalikabukan sa opisinang 'to. Sino pa naman ang maglilinis kung hindi ako, 'di ba?

O, tama na daw sabi nung copywriter na kulot na makulit. Gagamit na daw siya ng computer niya, alis na daw ako dito. Nagpatimpla pa ng kape ang lintik.